+66 2 933 9000 , WhatsApp: +66 81 919 6225 bkk@panwa.co.th

Pagrehistro ng Kumpanya, Pagbuo ng Kumpanya – Pagtayo ng Kumpanya sa Thailand

*Ang kompletong proseso ay garantisadong matatapos sa loob ng tatlong (3) araw para sa mga kliyente sa Bangkok at sa ibat-ibang probinsya ng Thailand.  Bukod dito, kung kinakailangan ng mabilisang proseso, maari kaming magmungkahi at maghanap ng solusyon para makompleto ang proseso sa loob  ng isang araw.

**Ang pasaporte ng dayuhan na gusto magrehistro ng kumpanya ang isa sa pinakailangan na dokumento; sa   pamamagitan ng dokumentong ito, makakapagsimula kayo ng negosyo sa tulong namin (ang ibang kinakailangang dokumento ay maaari naming ayusin).

***Para sa lahat ng inyong mga pangangailangan o katanungan, mangyaring ipaalam at ikonsulta muna sa amin sa WhatsApp

+66 81 919 6225

Ano ang saklaw ng aming serbisyo (Pagrehistro ng Kumpanya, Pagbuo ng Kumpanya) sa Thailand

 Kabayaran: Baht 20,000 (at Baht 10,000 para sa pagrehistro ng VAT)

*Hindi kasama sa kabayaran ang serbisyo para sa social security fund, share certificate at share book.

**Ang kompletong proseso ay tinatayang matatapos sa loob ng dalawa (2) or tatlong (3) araw ng pagtatrabaho.

***Libreng pagrereserba ng pangalan ng kumpanya at ito ay maaaring ireserba gamit ang iyong personal na pangalan.

 

Gastos sa Paglalaan (Puhunan na hindi hihigit sa Baht 5 million, kung sakaling humigit sa nabanggit na puhunan, ang gastos sa paglalaan ay maaaring kalkulahin alinsunod sa halaga ng puhunan ng kumpanya)

Pagrehistro ng Kumpanya – kabayaran sa serbisyo Baht 20,000

Selyo ng Kumpanya             Baht 500

Tax Identification Card (libre)   Baht -0-

Bayad sa Gobyerno               Baht 6,500

Kabuuang Gastos sa Pagrehistro   Baht 27,000

 

Tala: Baht 10,000 para sa karagdagang kabayaran sa serbisyo para sa pagrehistro ng VAT

 

Ibat-ibang serbisyo na nauugnay sa pagrehistro ng kumpanya, kung kinakailangan.

-Baht 18,000 kada taon para sa paggamit ng pangalan ng adres sa pagrehistro ng kumpanya

-Serbisyo para sa paglaan ng local na Thai direktor, ang pinakamababang buwan na maaring gamitin ang direktor ay anim (6) na buwan, na may kabayarang serbisyo Baht ________ (alinsunod sa ibat’ibang kondisyon ng kumpanya)

-Baht 5,000 para sa serbisyo ng pagbukas ng panibagong pangkumpanyang account sa bangko. Ang bagong kompanya ay maaaring magbukas ng account kahit walang work permit at maaaring mag-apply at gamit ng internet banking kahit saan sa pamamagitan ng code sa TOKEN.

-Baht 5,000 para sa serbisyo ng pagbabago ng Article of Association na dokumento.

-Baht 1,500 para sa dokumento ng kasunduan sa tamang paglipat ng parte ng pag-aari sa kompanya.

-Serbisyo para sa paglaan ng pinakamalaking shareholder sa kumpanya

-Baht 1,000 kada set para sa Dokumento ng Kasunduan sa tamang paglipat ng parte ng pag- aari ng kumpanya

 

Proseso at Palatakdaan ng Oras

Ang aming proseso ay maaaring matapos sa loob mg tatlong (3) araw ng pagtatrabaho; maaari kayong sumangguni sa halimbawa ng palatakdaan ng oras na nasa ibaba:

Unang Hakbang:

Lunes- Ang pagreserba ng pangalan ng kumpanya (sa kasalukuyan, ang hakbang na ito ay maaaring matapos at maaprubahan sa loob ng 2 araw ng pagtatrabaho, kaya mas mainam kung sisimulan ito bago pa sa takdang petsa ng pagbisita ng dayuhan sa Thailand. Bukod dito, ang hakbang na ito ay libre at ang pangalan ng kumpanya ay maaaring ireserba gamit ang sariling pangalan ng dayuhan, kaya’t maaaring gamitin ang naaprubahang pangalan para makapagrehistro din sa tulong ng ibang tagapagbigay ng serbisyo.

Pangalawang Hakbang:

Lunes- Sa araw ng pagdating ng dayuhan sa Thailand, maaari na syang lumagda/pumirma sa mga dokumento para sa pagrehistro ng kumpanya, kasabay ng paglagda sa dokumento para sa pagrehistro ng VAT.

Pangatlong Hakbang:

Martes- Ang pagrehistro ng kompanya sa Department of Business Development at ang pagrehistro sa VAT ay maaaring gawin sa araw na ito.

Kung sakaling gamitin ng kumpanya ang aming adres sa pagrehistro, maaaring matapos ang buong proseso sa isang araw lamang, ngunit kung ibang adres ang gamit, ang palatakdaan ng oras ay nakadepende sa mga sumusuportang dokumento.

 

Mga Kinakailangang Dokumento

Mga Kinakailangang Dokumento sa Parehistro ng Kumpanya:

-Kopya ng kard ng pagkakakilanlan o Pasaporte ng bawat

direktor(s)

-Kopya ng kard ng pagkakakilanlan o Pasaporte ng bawat kasapi/kasosyo

-Kopya ng kard ng pagkakakilanlan o Pasaporte ng bawat saksi

-Kopya ng dokumento sa pagparehistro ng adres ng kumpanya

 

Mga Kinakailangang Dokumento para sa pagrehistro ng VAT (kung kinakailangan): maaaring bumisita sa aming pahinarya: https://www.companythailand.net/vatregistration/

 

Ang orihinal na pahinarya/ impormasyon ay nagmula sa: https://www.companythailand.net/

 

Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring huwag mag-atubiling makipagunayan sa amin:

Maaaring tawagan si Mr. Tana (Tana Sipa)

WhatsApp:. +66 81 919 6225

Numero ng Telepono ng Opisina:  +66 2 933 9000

Sulatroniko: bkk@panwa.co.th

WhatsApp : +66 81 919 6225

 

Adres sa Bangkok:

1560 Latphrao Road, Wangthonglang, Bangkok 10310, Thailand.

https://goo.gl/maps/MhJsbjkPrji51Qyt6